personal opinion ko lang to ha. wag nyo basahin kung magrereact din lang kayo ng negative. otherwise, buburahin ko lang ang mga comments nyo. belat. blog ko to, bakit ba?
1. disappointed ako sa sarili ko. for the nth time, i'm being a doormat again. :-( naisip ko nga, paminsan dapat mejo ibida ko naman ang sarili ko. after all, almost everyone is a little selfish... bakit ako, lagi ko ini-strive na maging selfless? aba, nakakapagod din. minsan automatic reaction na kasi. lalo pag wala nang maaasahan... haay shaina... pwede lang, iuntog mo ang ulo mo sa pader at nang magising ka naman.
2. disappointed ako kasi andami kong expectations na hindi nangyari. eh ayun na nga ang problema. nag-eexpect kasi ako. there was this quote that goes, "do not put your happiness in other people; you will just end up disappointed." i think that's true. people disappoint others. even i disappoint other people. ako nga, dini-disappoint ko sarili ko, ibang tao pa kaya?!? ayun. pero lilipas din ito. ganun naman lagi... disappointed ako pero after a while, ok na ulit ako.
3. disappointed ako kasi feeling ko walang nagmamahal sa akin. eto na naman tayo eh. alam ko madami nagmamahal sa akin... like my family. my friends. ganun. pero minsan pag naririnig ko ang usapan ng mga tao, saka nakikita ko ang mga kilos nila, napapaisip ako, does anyone out there think of me? i mean just me. ung iniisip nya kung kumain na ba ako sa maghapon... kung napapagod na ba ako sa pag-ngiti. kung napapagod na akong mag-alaga ng ibang tao... kung nahihirapan na akong pasanin ang lahat ng bagay sa balikat ko. ganun. nalulungkot ako kasi parang walang malulungkot kung bukas mamatay ako. i mean malulungkot siguro sila, iiyak, ganun... but life will move on. minsan kasi pag naririnig ko ung usapan ng mga tao sa paligid ko, bakit ganun, feeling ko umuusad ang mundo na hindi ako kasama? siguro mali ung mga priorities ko... o mali ung mga bagay na pinahahalagahan ko... pero feeling ko wala talagang nagmamahal sa akin. sabi nga ni Claudine dun sa pelikulang Got To Believe in Magic, "mabait naman ako di ba?" ngaks. pakitang-tao kasi. naaaliw ako sa mga taong bully... kasi kahit bully sila, may nagmamahal sa kanila. ako feeling ko, dahil mabait ako at tango lang ako nang tango, people take me for granted. Well, that's my fault. I allowed myself to be treated that way. Minsan kasi gusto ko maging bad and gusto ko maging selfish and maging bully, pero naiisip ko pa lang sya, naaawa na ako dun sa person na gagawan ko ng ganun. pero bakit ganun, bakit ako napapagod na maging ganun? sana hindi na lang ako napapagod na maging ganun. saka sana hindi na lang ako nasasaktan kapag nililipasan lang ako ng mga tao sa paligid ko. sana wala na lang akong ganitong feelings. para tuluy-tuloy lang... mabait lang ako lagi at hindi ako nag-cocomplain.
4. bakit may mga taong madamot? wala lang... napa-isip ako. sana lahat na lang ng tao mabait saka mapagbigay. nalulungkot ako kapag ung kausap ko madamot. hindi kasi ako madamot, and i guess it's wrong to expect others to be the same. :-( mahirap i-comprehend sa isip ko bakit may taong madamot. minsan naisip ko, sana bukas mamatay na ko... ayoko kasing maging madamot pagdating ng panahon. ang bad ko noh... di ko man lang naisip ang family ko... esp my parents. malamang mahihirapan sila pag nangyari yun. pero kasi ngayon pa lang pagod na pagod na akong mabuhay. ang hirap maging mabait, mapagbigay, mapagpasensya, maging maunawain, maging maalalahanin, maging responsable... nakakapagod. na-consider ko na rin maging bad. pero kawawa naman ang parents ko. :-( kaya sana kunin na ko ni Lord, para tapos na. Yung ibang tao, ayaw pa mamamatay kasi masarap daw mabuhay, ako ready na ko Lord. kunin mo na ko, please? ang bad ko noh.
sana nga kunin na ako ni Lord.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment